Wednesday, January 25, 2012

Date on Valetines Day? Where?



Malapit na naman kasi ang Love month kaya nauusong pag - usapan ang tungkol sa Dating.  Mahal kasi at hindi carry ng budget lalo na pag estudyante ka pa lang kung saan kayo mag de-date ng jowaers mo. Pero sa tingin ko kung hindi kasya ang baon mo sa gastos pero gusto mong mag date ng bowa o jowa mo ano namang masama kung mag lakad - lakad kayo sa luneta habang pinag mamasdan ang ibang mga magsing irog na nakahiga sa damuhan? Hahahaha...


Seriously wala namang masama sa ganoon pero tumingin naman tayo ng ibang lugar kung saan pede kayong mag WWHH (huh??? Ano yan??? Di ba HHWW Holding Hands While Walking?? ) [ano ba kayo hindi nyo alam ang WWHH? WAKA-WAKA HEI HEI. . di ba kanta yan ni shakira?? hehehe.. Biro lang.. bakit ba hindi ba natin pedeng baliktarin? Hindi ba pedeng mag WALKING WHILE HOLDING HANDS???] HEHEHEHE sige tama na kayo, talo na ako.. HHWW nga yun.. ang punto sawa na kayo sa luneta kasi isang tumbling lang andun na kayo. Bukod dun nahihiya na kayong makita ng mga classmates nyo sa parehas na lugar kung saan din sila nag de-date... Malay mo makita mo pa ang nanay at tatay nyo dun na nag eh-HHWW din?? hehehe... Brutal ko naman sige katulong o kaya kapitbahay nyo nalang.. 


    Wala din akong maisip eh.. Hindi naman kasi kami gala ng mahal ko.. (weh??) Pero try nyong pumunta sa:


A) Gubat sa Siyudad Resort - Kung may konting budget ka at naka-ipon ka naman nung last December galing mula sa pamasko galing sa Ninang o Ninong mo.. Pede kang pumunta dito, sa pag kakaalam ko dun daw yun sa Caloocan located in Bagumbong.. Kung sino man ang taga Caloocan sa inyo malamang alam nyo kung saan to. Resort to mga dude so mas okay kung marami kayong pupunta dito para masaya.. Bakit sino bang may sabing hindi pedeng magsama pag nag date sa feb 14? The more the merrier .Pero sa pag re-research ko hindi daw maayos ang facility dito? Humm last 3 years P170 daw ang Entrance fee dito magkano na kaya ngayon? Well tumingin parin tayo ng iba pang option.


B) Nayong Pilipino - Sa pasay  ito makikita dati puntahan ng Field Trip ng eskwelahan pero mukang napabayaan na ata ngayon.. Sayang ang ganda pa naman ng lugar na to, astig ang dating. Wala daw Entrance Fee pero kung may kotse ka may bayad ang parking.P30. Kung match box or remote control car ang dala mo wag mo ng ibayad wag mo nalang ipakita sa management para hindi nila ipa-park sa parking area ang dala mo hehehe.. Bukas to araw araw from 6 am to 6 pm. Ideal para sa morning exercise and picnics. Sarado ang ibang features pero merong Orchidarium, kung maayos ang panahon makakakita kayo ng iba't ibang uri ng Orchids dito.. Aba tamo nga naman hindi mo na kailangang ibili ng ROSAS ang GF mo sa Valentines pumitas ka nalang dun wag ka ngalang pahuhuli ng buhay  heheheh.... (Disclaimer: This information I gathered about Nayong Pilipino was not updated... It was based last August of 2011)


C) Ninoy Aquino and Wildlife Nature Center  - In Quezon City. Maganda sya at sulit ang pamamasyal mo kasi P5 pag Estudyante ka at P8 naman pag hindi ka Estudyante. Hindi lang sya basta park kasi partially parang zoo sya kasi may mga Animals na inaalagaan. Masarap mag Picture - Picture dito.May mga Bench din na pedeng upuan at pedeng mag picnic, may playground at may lagoon .. And by the way pag ka galing mo dito kung hindi pa pagod ang mga paa nyo pede nyo namang isunod ang...


D) Quezon City Circle - Alam nyo naman siguro kung saan to di ba? Ang pag kakaalam ko alang bayad dito. May mga Benches na pedeng upuan at may mga establishments na pedeng mabilihan ng ChiCha.. Kung nag titipid ka bumili ka muna sa mall ng pika - pika at saka ka dumeretso dito kasi mahal kung bibili ka sa mga maliliit na tindahan dun. Pede ka ding mag rent ng bisikleta, kung dalawa kayo ng jowa mo mag rent ka nung may Side Car para naman HHWB kayo (Holding Hands While Bisekletaing .... HAHAHAHA) 


E) Shoe Museum - J.P Rizal St. San Roque Marikina.. Malapit sa Marikina River Banks.. Papunta dun galing sa Marikina River Banks sasakay pa kayo ng Tricycle mga P30 - P50 ang pamasahe. Entrance fee is P50 per head. Kung ayaw mong mag bayad pugutin mo ang ulo mo kasi nga per head ang bayad dito. Wag ka ng mamelosopo kung saang parte kasi WHOLESOME tong blog na to wag kayong green department. Anyway Open yun from 8am to 5 pm ... Kung itatanong mo naman kung ano ano ang makikita dito malamang mga halaman at hayop... SYEMPRE SAPATOS.... Shoe Museum nga eh.. ano ke be.... Pag pumunta kayo dun ipasalubong nyo naman sakin yung World's Largest Pair of Shoe's na mas malaki pa sa sapatos ni Ronald McDonald...






Ayan ha.. Na tour ko na kayo sa maari nyong mapuntahan sa Valentine's Day.. Kaunti lang yan pero naman kung pupuntahan nyo yan ng sabay sabay sa Feb 14. Maawa naman kayo sa mga paa nyo. Kalyo aabutin nyo nyan.. 




                                       HAVE FUN!!!!






















No comments: