Friday, February 10, 2012

BLOGS NG PINOY

Naisipan ko lang na gawing title ng post na ito ang BLOGS NG PINOY. Sa mga hindi nakakaalam isa itong site na puros Directory ng Blogs na gawa ng mga kalahi nating mga NOYPI. Nakita ko yung widget sa isang blog na sinusubaybayan ko dahil astig. Sabi ko sa sarili ko "ano to? mukang astig ah meron palang ganito? matignan nga"... Pag click ko sa munting box tumambad sa paningin ko ang site na ito http://www.blogsngpinoy.com/                                                                                                                   


(source: blogsngpinoy.com thanks!)



nagulat ako sa nakita ko.. Hindi ko inaakalang napakadami palang Pinoy ang nag ba blog talaga!... Sabi ko Astig!!! makapag register nga ... Nung una bobo ako kasi hindi ko ma kita kung paano... at ng ma-figure out ko ah madali lang pala.. eh di nag rehistro na ako. Akala ko din matatagalan bago ako ma approve worst naisip ko na baka hindi ako ma approve dahil parang ala lang tong blog ko pero pag check ko kinagabihan taraaaaaann...... approved na agad at na add na ang Blog ko!!!! Wow tuwang tuwa talaga ako kasi feeling ko achievement na yun para sakin.. Yung feeling ba na nasa mundo ka ng mga Bloggers! at hindi lang basta bloggers dahil PINOY BLOGGERS!!.. Sariling atin at naiintindihan mo.. Pedeng pede kang maging sarili mo . 

Nakakatuwa pa nito ang dami pala talagang pinoy na mahilig magsulat.. Interactive talaga tayong mga Pinoy. Hinding hindi tayo papahuli pag dating sa Technology. Nag browse ako at nag tsek ng mga blogs dun, at ang daming blogs na talagang masasabi mong ayos!.. May blog na mag e-enjoy ka talaga sa pag basa... 


Kung malungkot ka? O depressed ka.. Puntahan mo tong site nato.. Iba't - ibang pag iisip ang makikita mo dito.. madami ditong nakakatawa na malilibang ka pa, pansamantala mong maaalis sa isipan mo ang problema. Mas maganda gumawa ka na rin ng sarili mong Blog, dahil sa pag gawa nito dito mo lang maipapakita ang tunay na ikaw. Mailalabas ang sama ng loob mo o mailalathala ang nasa isip mo na hindi mo  mailabas dahil natatakot ka na baka may humusga sayo.. Bakit ba. dyan ka masaya eh... Wag ka lang gagawa ng mga bagay na ikapapahamak mo.. 


Getzzzz ?????

2 comments:

Diamond R said...

mahilig din ako mag picture picture kaya apir tayo diyan

Unknown said...

tomo, hihihi.. just enjoying how I blog at Blogger.Ako na ako lang. Natutuwa ako.