STRESS
Yan ang salitang laging maririnig mo sa floor na pinag tatrabahuhan ko kung saan tuwing gabi ang natural na takbo ng buhay. Ang trabahong akala ng marami ay mataas ang kita pero sapat lamang na pambili ng makakain sa araw araw. Sa gabi gabing struggle sa buhay sa pag tatawag parang immune na tuloy ako sa mga may attitude na tao sa telepono. Yung mga taong mumurahin ka kasi galit sila sa kumpanyang kinabibilangan mo at yung iba trip lang talagang murahin ka. Karamihan sa kanila Racist. pag na detect nila na hindi ka local tatanungin ka agad nila ng ganito "WHERE ARE YOU CALLING FROM?" at pag nalaman nilang taga pilipinas ka abo't abot ang pang iinsultong maririnig mo sa mga ichuserang mga palakang kausap mo....
I hate your company for outsourcing our job! - yan ang madalas na sinasabi sakin ng mga delingkwenteng mga customers na tumatawag para humungi ng extension sa pag babayad ng mga bills nila. Sila ate at kuya pag hindi mo napag bigyan ang request na eextend ang date ng kanilang due date titirahin ka naman sa pangongonsensya at paninira sa kumpanya. Kesyo wala daw silang trabaho dahil kinukuha daw natin, kesyo madami daw talented sa kanila pero ang kumpanya daw ay nag aaksaya pa ng oras at pera sa pag dadala ng trabaho dito sa pilipinas at marami pang iba..... Kahit mag ngitngit ka sa inis sa mga kausap mo at kahit umuusok na ang ilong mo sa galit dahil sa pang iinsulto ng mga tumatawag na yan wala ka namang magawa dahil in the first place dapat kaawaan mo naman sila dahil wala nga silang work at ikaw ay meron. Sa totoo lang pag ganyan na ang kausap ko sa telepono mute nalang ang lola nyo sabay buntong hininga. Mag titiis hanggat kaya dahil lahat naman ng tao sa mundo ay may problema nag kataon lang na ako ang napapag initan nila heheheehe...
Ang sarap mag tagalog - napakasarap mag tagalog talaga... hahahahaha... paano limited ang time ng pag eengles ko ... between 11 pm to 8 am lang talaga at yung 1 hour lunch break ko ay time ko para mag recharge sa English vocabulary. Kaya pag 30 mins lang ang lunch break ko kumukuha nako ng isang plastic na paper towel sa pantry dahil siguradong dudugo na ang ilong ko sabay ng pag bula ng bibig pag iningles na ako ng kausap ko....
No comments:
Post a Comment