Thursday, February 2, 2012

Puyat ng Puyat

     Zombie yan ang tawag sa mga taong puyat ng puyat, natutulog sa umaga at gising sa gabi. Simula ng High School ako dun ako nag simulang mag puyat nakakaloka nga kasi nag de-day dream ako sa GABI, minsan pag di talaga ako makatulog ayun sinasabakan ko ng panonood ng T.V hanggang mag umaga na, o di naman kaya eh nag susulat ako ng kung ano-ano...




    E ano ba ang nakakapag apekto sa tulog ko???




  • Kape - Etong isang to ang salarin kung bakit hindi ako makatulog sa gabi.. Maka ilang tasang kape nga ba ang nilalaklak ko sa isang araw? Well di ko na ata mabilang, basta ang alam ko walang tigil ang lalamunan ko sa pag lagok ng kape araw at gabi. Sa trabaho nga tawag sakin Miss. Nescafe.. Baka pag nag asawa ako tawagin naman nila akong Mrs. Nescafe aba eh insulto naman yun sa papakasalan ko hehehe..
  • Trabaho - Dahil nga nung High School pa ako ganito hindi na talaga mapigilan ang pag pupuyat ko buti nalamang at nag tayo ng Call Center dito ang mga kano. At least kahit paano ang pag pupuyat na nakasanayan ko ay naging trabaho ko pa. hehehhe.. At dahil nga sa gabi ako na ngangarir sa umaga kahit tirik na tirk ang araw borlogs na borlogs naman ako.. Wala eh ganun talaga.
  • Internet - Pag napaharap mo ako sa PC na may Internet hindi ko na to tatayuan... kahit hindi na ata ako kumain okay lang eh basta internet lang ako ng internet. Kaya nga minsan 24 hours ng bukas tong PC kasi sa simula gabi hanggang mag umaga sa pc lang ako nakaharap. haaay. Adik nga ata ako sa Internet. 
Ewan ko ba hindi ko na alam ang gagawin ko pano naman sa gabi gabi na ginawa ng dyos eh tuwing umaga nalang ako natutulog kaya ayun malamang bukas na ulit ako matulog nito hhehehehe

2 comments:

BNP said...

Thank you for joining BNP! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the Hall of Fame ;)

For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

TERESAURUS said...

Thanks BNP!!!!!